Pagkatapos ma-hinder ng kaunti dahil sa ilang.. um.. technical difficulties (i.e. naging tagalog ang buong dashboard at hindi ko maintindihan yung ibang items) makakapost na ako!
3 second rule. Narinig ko lang ito kanina sa RX 93.1, sina Gino, Fran and si Albert ba yun. haha. Torpe moments ang topic.
the rule states that you should talk to chuva (where chuva=crush/person you like) within 3 seconds, else feel the despair and confusion we know as “torpe”.
Kaya namimiss ko ang highschool eh. Pati na rin siguro ang elementary. Kasi noon, torpe lang talaga kung torpe.
Nung highschool may halos 3+ year crush ako. Ahahaha. Nasira lang halos nung patapos na ang 4th year. oo nga’t may iba pa akong naging crush, pero wala talagang tatalo dun kay major mega crush. Iba eh. Iba pag nginitian ka nya, kapag pumayag syang sumama sayo, kapag nahuli mong tumitingin din sya sa iyo
AYIIIII!!! Syempre kinilig ako. Kasi mula nga first year hanggang third year, lagi ko syang nahuhuling tumitingin DIN sa akin. Sa totoo lang, ngayon at tumanda tanda na rin ako, naisip kong baka guni-guni ko lang lahat ng iyon.
Pero iba pa rin yun eh. Iba yung kilig. Parang meron kayo parehong tinatago.
Hay. Naman, torpe to the max. Hahaha.
Naalala ko rin, meron yung tinatawag namin na crush-dar. As in radar para kay crush. Sa hindi mapaliwanag na dahilan, kung pumasok si crush sa loob ng 10-30 meter radius, may kakaibang tibok ng puso, ang bituka ay magmimistualng tatalon. Oo, may lukso ng dugo.
Tapos magkakatitigan kayo.
AYIIIIIII!!!!
Hay ang highschool. Ang saya pa ma-in love nun. Malinis pa kasi (relatively. haha.) Innocent kumbaga.
Ngayong College graduate na.. Grabe. Complicated na ang buhay talaga. Pero sa sunod na entry na yun.
Dun kina Gino and Fran sa RX, may tumawag na 11 year old boy. Nagtatanong kung ano ang dapat gawin kung may mahal ka pero ayaw mong malaman ng iba.
Hay nako bata.. Paglaki mo, malalaman mong that will be the least of your worries. HAAAAAYY.
Ok, tama na nga yan. Bleh.
Mga Marka: pag-ibig