Nag-ikot kami ngayon sa iba’t ibang kolehiyo ng Narsing sa Metro Manila, bilang parte ng pananaliksik ni Dekana Tuazon, ang dekana ng Kolehiyo ng Narsing ng Unibersidad ng Pilipinas. (nosebleed.)
Kami ni Jenny, Tabitha and Prof. Valera ang pumunta. Wee.
Kaninang umaga ang mga napuntahan namin ay:
> Concordia College
> Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
> Metropolitan Hospital College of Nursing
pagkatapos, kain ng mabilis sa kantina (tama ba) ng Metropolitan. Sakay ng tricycle at pumunta naman sa:
> Far Eastern University (gaano ba ka far ang east?)
> Centro Escolar University
> Trinity University of Asia
so anong masasabi ko? ika nga, there’s no place like home.
Sa maniwala kayo’t sa hindi, mas kanais nais na ang Kolehiyo ng Narsing ng Unibersidad ng Pilipinas Maynila. As in. hahaha.
my brief review:
Concordia
Parang elementary school ang format. Malaki ang land area, pero wala kang——-TEKA. sa gate nila may malaking sign na “You are entering an English Speaking Area.”
…. Let’s do this again. And yes, my partner Jenny and I had to talk in english inside the college, since it said so in the sign. Apparently, we were only the ones following this rule; all the administrators and staff (including the guard who we thought was going to speak in straight english too) were speaking in this unknown language… i.e. Tagalowg. Like, eew.
Anyway, their land area was wide, but all the buildings are only about 3 to 4 stories high. They have an elementary school, a high school and college areas. It was fun to see little ones, singing or playing the piano (something that the schools I went to didn’t have… This was my first time seeing a little boy singing for academic purposes. Maybe it was his recital. A little girl was also playing the piano. cool.)
Impressions: Peaceful. Masayahin. English speaking not.
Cute Factor: Negligible. Hindi namin naabutan ang mga estudyante eh.. tsk. Hahaha.
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
Ayan makakatagalog na. Grabe talaga ang PLM, state university kung state university.. mas.. er, magulo pa ng konti sa UP Manila. Pero d mo makakailang matatalino sila. At sila yung may self esteem na pumapantay samin. Haha. Hindi sila nahihiya na kausapin kami or anything. Anyway ayun, isa sa mga pinakamasaya ang staff. Got to love it. haha. AT MAGKAKA WIFI NA DAW SA PLM?? huuu. Si Atty. Adel kasi, sabi nya sa Harvard kasi (kung san sya nag aral dati) libre ang WiFi. Gusto daw nya na sa PLM din ganun. Next month ata maiimplement, or next next weeks? huuu gusto ko rin ng University wide WiFi…
Impressions: Matatalino. Walang emo naman.
Cute Factor: …Er. Hm.
Metropolitan Hospital
Ang. Taas. ng. Building. Hanggang 26th floor ata sila or more. grabe. Tas tatlo lang ang kurso nila ngayon.. Nursing (oldest sa kanila), IT at Tourism. Ayun. Tapos andami nilang estudyante, tatatlo lang ang elevator. Matagal pa mag akyat panaog kasi nga ANDAMING FLOORS. kanina nairita na ako sa haba ng pila, nag manual na ako. As in stairs, from ground to 8th floor.
In fairness ok lang ang pag akyat ko, hindi gaya nung sa PGH (na minsan nasisiraan ng elevator) na kapag nasa 5th floor na ako parang namamatay na ako sa pagod. Hahaha. O baka nasanay lang ako? Grabe talaga ang training sa PGH.. haha.
Impressions: They’re like, so many many many. Their buildings are tall. The hospital was beautiful. Pero nasa gitna sila ng parang siksik na area. Think chinatown like. ugh.
Cute factor: High. May mga mukhang.. mababa ang.. you know. Pero cute. You’ve got to appreciate that.
Far Eastern University
Ay napatagal kami dito. GRABE HA. may building sila para lang talaga sa pagregister ng VISITORS. as in. Bongga, pero antagal, huuu. Andami daw kasing channels na kelangan daanan para makapasok kami. Hayz.
Pero in fairness, ganun pala sa FEU.. Malaki pala sila rin, parang UST lang. At maayos rin ang people. Dapat lang, kapatid ko dito nag-aaral eh. Hahaha.
Impressions: Ano.. well normal sila. ahaha. At bongga. Private kung private talaga. Weird lang kasi “Institutes” ang tawag nila sa mga Colleges nila. Institute of Nursing.. IN. IN KA BA? naks pwede na akong gumawa ng tagline nila.
Cute Factor: Ayun.. ok lang. Meron naman din.. hehe.
Sidenote: Ang uniform ng FEU ay walang strict rules. Apparently. Kasi I saw transvestite-ish gays wearing “feminized” versions of the male uniform (ung curved yung polo, yung pants pencil cut ek2) feeling ko nga mas professional na “women” pa ang dating nila.
Big Sidenote: The above observation also applies to girls. Because their skirt length.. is varying. Merong hanggang lagpas gastrocnemius na. Meron din yung above the knee. GRABE. Astig yun. hahaha.
Centro Escolar University
Ay wala akong alam dito, si Mam Valera at Tabitha ang pumunta dito eh. Naghati na kasi kami due to lack of time. Oh well. Next!
Trinity University of Asia
Ayun, green din pala ang favorite color ng school ng St. Luke’s? ahaha. Wala naman akong masyadong masabi, overall ok lang, pero I was underwhelmed. Hindi sya kasing bongga nang I expected it to be. Hehe.
Impressions: Ayun… Well off ang people, pero ewan. Basta.
Cute Factor: High. Pero may high rating din ang low ano, yung, uhm.. basta alam nyo na un.. anyway basta ok na rin, marami na ring cute.
At syempre, nung pauwi na..
College of Nursing, University of the Philippines Manila
Ui hindi nga, talagang iba talaga kung sa UP ka mag-aral. Para sakin, mas feel mo ang freedom mo as a college student. And you really feel that you are part of a University, that you are a part of a much much bigger whole.
Yung ibang school may parang feeling na nasa elementarya ka o kaya high school na mas magulo… Basta iba. And yung building and facilities natin? Believe me, we’re actually okay na. Hahaha. Malinis, maayos, at may facilities. Ok sa olrayt.
Anyway ayun lang. Ang haba na tuloy. hahaha. Next week pupunta uli kami sa mga ibang schools!
weee fun! hahaha. Go go go!